Habang nag iinstall ako ng SharePoint Services sa VPC ko kanina, ewan ko kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko yung teacher ko nung elementary pa ako, Si Mrs. De Castro. Ang tagal kasi mag configure, kung ano-ano tuloy ang naiisip ko.
Actually, marami akong di malilimutang experience sa school, lalo na sa mga teachers ko:
1. Si Ms. Onate, semi-terror professor ang tipo nya. Teacher ko sya sa Psychology nung college. Mahilig syang magpatayo sa ng estudyante sa klase kapag hindi nakakasagot. Naikwento nya na may gap sila ng nanay nya na nagngangalang ‘
2. Si Mr. Sepeda, teacher namin sa religious education nung college. Magaling sya magturo at palagi syang naka smile :), kaya nga lang meron syang laway sa dalawang gilid ng labi at tumatalsik talsik pa minsan kapag napasarap sya ng lecture. Malas ko lang, nasa first row ako nakaupo.
3. Si Mrs. Oray, teacher ko nung Grade 2. Sya yung galit na galit sa amin tuwing hapon dahil ang babaho daw namin, amoy pawis. One day, nagdadaldalan kami nina Loida, Emer at Kristopher habang nagsusulat sya sa blackboard. Sa galit nya, hinagis nya yung eraser na puno ng chalk at tamang tama sa mukha ni Kristopher. Nagmukhang espasol ang classmate ko, bakat na bakat pa yung rectangle na eraser. Sya din yung teacher namin na nagtitinda ng langonisa at mani sa classroom. Buhay pa kaya sya? Matanda na kasi sya nung Grade 2 ako.
4. Si Mrs. Velasquez, teacher ko nung 2nd year highschool ako. Sya yung terror na teacher namin sa English at saka ate ko yung nagpaanak sa kanya nung nanganak sya sa panganay nya. Mahilig syang magparusa ng estudyante, lalo na sa lalake. Member din sya ng organization ng teachers na mahilig mag pa-surprise quiz. One time, sinurprise nya ang klase namin. Hindi nya alam, prepared na kami nung araw na yon pero nagimbal kami sa ginawa nya. Pasahan time na kasi at bumilang sya ng 1 to 5. Ang siste, yung nasa likod mo, ipapasa nya syo yung paper nya hanggang makarating sa unahan. Natapos na ang counting ng 1 to 5 pero hindi pa nakarating sa kanya yung papel. Over naman kasi, ang bilis nya bumilang. So parang late nakarating yung papers sa kanya.
5. Si Mrs. Nario, principal namin nung elementary. Nahuli nya kaming tinatago sa halamanan yung sapatos ng classmate naming lalaki na si Rommel. Maya-maya, pinatawag kami sa office at pinalo kami isa isa sa pwet habang nagsosorry kay Rommel.
Marami pang iba, hindi ko lang maalala ngayon. Share ko sa inyo pag naalala ko!