Hay sobrang busy! At isa pa, wala akong sariling computer sa bahay dahil nag give up na si Apple -- ang laptop na pamana sa akin ni Kuya Jhoy bago sya tumira sa Canada. Kaya ayan, January pa yata yung last entry ko dito.
Nakakamiss magsulat at magkwento.
Anu-ano nga ba ang nagyari sa akin lately? ...
Kung aatakihin ako ng short term memory loss ko, yung mga concerts lang na pinuntahan ko ang maalala ko :D hehehe. It was Paramore concert in Manila last March 9 and the other one was Christian Bautista in Music Museum last March 13. Paborito namin ni Jelly yung gma songs ng Paramore kaya naman nung malaman ko na may concert sila sa Manila eh go na go agad ako sa pagbili ng tickets. Gift ko na din kay Jelly kasi valedictorian sya sa elementary this school year. Mana talaga sa Tita. Nadiscover ko din na malapit lang pala ang office namin sa main office ng Ticket World. Walking distance lang pala sya dyan sa Ayala. At dahil fan ako ng mga concerts, plays at live shows, heaven talaga ang pakiramdama ko nung makarating ako sa office nila :D Ahoooooo! Kabi-kabila ang mga shows. Kung may car na siguro ako, napabili na ako ng ticket ni Tom Jones sa Areneta Coliseum para sa aming dalawa ng Tatay ko, panigurado magugusthan nya yon. Kaya lang mahirap na dalhin ko doon ang Tatay ng dis-oras ng gabi. Nung sumunod na linggo, kami naman nina Zeny at Gems ang pumunta sa cencert ni Christian Bautista. Kahit na wala na sa budget ko ang concert na yon, go pa din ako para suportahan si Gems na super duper fan ni Christian Bautista :D Sa ticket World din kami bumili ng tickets. may isa pa akong gusto, yung broadway presentation na Cats, kasam si Lea Salonga sa casts. Sana may makasama ako...
--
Isang linggo din akong tinamaan ng sakit ng lalamunan, mga first week ng February. Ibang klase kasi dahil wala naman akong ubo basta parang namamaga lang yung lalamunan. Hindi ako nagpatingin sa doktor, water therapy lang. Bahala na...
--
So scary ang El Nino phenomenon this season. Lalo na pag binabalita sa tv yung gma effects nito. Kaya naman super nagtitipid kami ng tubig sa bahay. Minsan isang araw biglang umulan ng medyo malakas, pinipilit ba naman ako ng Tatay na maligo sa ulan. Siguro minsan naiisip nya bata pa ako?
--
Hmmm, proud naman ako na wala pa akong late this year! Ayos , walang memo!
--
Kinasal din yung isa kong officemate at ako ang nakakuha ng bouquet ng bride! LoL!
--
Natuloy din ang bowling session ng team namin kahit na hindi lahat nakarating. Kinakalawang na ang bowling skills ko! Kaliwa't kanang kanal!
--
Kung may event na sobrang naexcite ako eh yung Globa-Ayala fun run na sasalihan namin. Bukod sa hindi ko pa naeexperience to, eh medyo na challenge ako sa 5 kilometers na tatakbuhin. At sa sobrang excitement ko, napatakbo tuloy ako ng isang oras sa isang park dito sa Makati kahit dis-oras na ng gabi para mag praktis! :D Hahahah! Unfortunately, hindi natuloy kasi wala na daw slot for 5k. Anyway, may ibang pagkakataon pa naman, at panigurado, makakatakbo na ako! Try namin sa Mizuno Fun Run sa April! :D Yahooo!
--
Ano pa ba? Errrrrrrrr. Ah! Yung one month preparation ng 70th birthday party ng Tatay ko. Iimbitahan daw anf lahat ng kaibigan at kamag anak. One week to go na lang at syempre plantyado na ang lahat ng nakatoka sa akin. Nagpacustomized na ako ng cake, naorder ko na ang baloons, printed na ang tarpaulin at banners. Chess board na may chess pieces and pinagawa kong cake dahil yung ang paboritong laro ng Tatay ko. Pumasok din sa isip ko ang Mahjong table! Waahahahaha! P3,000 ang inabot ng cake. Si Ate ko na ang bahala sa catering services. May tatlo pa akong problema, sira ang camera ko, hindi pa kami nakakapunta ng Tatay sa mall para bumili ng request nyang outfit para sa party at wala pang giveaways. Goodluck na lang.
--
Since last week eh 5:00AM-2:00PM ang work schedule ko. Andito ako sa office ngayon for this week, mag isa. Pero last week sa bahay ako nagtatrabaho, work from home kumbaga. Bongga diba? Madaming officemates yung nagsasabi na ang sarap daw ng schedule ko. Hehehe agree naman ako doon kasi naman para ka lang nakabakasyon everyday kahit na nakatutok ka sa computer maghapon. Kasi siguro nakikita ko yung mga kasambahay ko buong maghapon, di na kailangan mag prepare ng packed dinner/lunch kasi andyan lang ang kusina :D, naririnig ko ang tunog ng pagwawalis ng Tatay ko every 6:00AM at syempre, bukas ang television maghapon.
Sarap magpang umaga talaga. Bukod sa normal na tao ako since last week dahil gising ako sa umaga at tulog sa gabi... tipid pa sa pamasahe at zero travel time.
--
Hay... I'm just stress-free and happy these past few months. Walang masyadong problema :) I think this is MY year! (Hahaha... I am suppose to say that every year... motivation kumbaga :D)
Ayan, hindi masyadong halata na namiss ko ang pagkkwento. Ayaw tumigil ng daliri ko kakatype. Marami pa akong gustong ikwento pero next time na lang siguro.