Aminin nyo, iba pa din yung pakiramdam ng maraming nakakaalala at bumati sa birthday mo. Salamat sa Friendster at Multiply… may sangkaterbang birthday reminders para sa kanila :D
Yesterday was the day! Hehehe. Ginawa talaga nilang espesyal. Sino sila, eto sila…
Simulan natin pagdating ko sa bahay ng madaling araw. Bumulaga sa akin ang mga posters na ito.
Eto yung sa pintuan ng kwarto ko.
Eto naman sa bungad ng sala namin. Picture ko yan nung medyo bata bata pa ako.
Eto naman sa dining area namin.
"Tita, pls see the ref! T.Y" dahil nasa loob yung cake ko
Nakakatuwa kasi pinag abalahan pa nila.
Madaling araw pa lang, nakumpleto na ang birthday ko.
Pagkagising ko sa umaga, may isang set pa ng gifts.
Ang flowers.
Ang birthday card.
"Happy Birthday TiTa!! - DEMZU"
Tatay ko nagsulat nyan. Hehehe, pasaway talaga.
Ang Recipes.
Collection to ng mga recipes, para daw hindi na ako mahirapan mag isip ng uulamin namin.
Si Putol.
Naaalala nyo ba si Putol, nilagay din sya sa box.
Ang Pink na Pangtulog.
Galing yan sa ninang ko.
Salamat sa lahat ng bumati. May nag text sa cellphone ko, may nag message sa yahoo/ communicator/ windows live, may nag-iwan ng mensahe sa Multiply, may nag comment sa Friendster, may nag email, may nagbigay ng sulat, may nag wish, may kumanta, may tumawag sa telepono, may yumakap, may bumulong, may sumigaw, may kumindat, may humalik, may tumapik, may nang-asar, hindi umulan, at lahat sila ay naki- CELEBRATE!
Sana araw-araw birthday ko.