Tuesday, March 31, 2009

Matanda Na Si Tatay

Dahil bakasyon ng mga bata, dito sila kumakain ng tanghalian sa bahay. Late na ako nagising kanina dahil napuyat ako sa kaka-PSP kaninang madaling araw. Kaya bumili na lang kami ng lutong ulam sa tindahan ni Aling Celia.

 

Ang sarap ng ulam: sinampalukang manok, ginisang sitaw with kalabasa at hilabos na hipon. Nakahain na ang lahat sa mesa kaya lang…

 

Hindi na-Turn On ang rice cooker...