Twitter mode muna ako, maiba naman:
3:15pm
pinlansta ni Jhennie ang hair ko. sabi nila maganda daw yon bago i-curl. oo lang ako.
3:25pm
Zeny started curling my hair.
3:27pm
napansin ni Zeny na hindi tumatalab sa buhok ko ang curler. ginamit nya yung curler kong de-baterya. Ayos, tumalab.
3:45pm
kinukulit ko na si Gems na umakyat sa 5th floor para mag make up.
4:15pm
dumating na si Gems, hindi pa ako tapos kulutin pero malapit nang matapos.
4:20pm
ako naman ang nag-curl ng hair ni Gemz. Si Sheila naman, kinukulutan si Zeny.
4:45pm
magbibihis na kami!
4:50pm
hindi ko talaga linya ang pag me-make up. eto mukha akong may black eye!
5:15pm
picture taking muna kami bago bumaba.
5:45pm
we’re here at the bus. Ayaw namin maiwan. :D
6:00pm
gusto kong maglupasay. 6:30pm pa pala aalis ang bus.
6:30pm
it’s party time!
Here's with the bosses.
Here's with the girls.
Here's with my colleagues.
Here's with our masks.
pictures are courtesy of brando, gems and mark.
No comments:
Post a Comment