Thursday, December 11, 2008

Walang Oras Na Hindi Lumilipas

First time kong makasali sa isang costume party at hindi lang basta costume party, it’s a masquerade party! Madalas sa La Salle, naka T-shirt lang kami na may tatak na DLSU-D at ang pinaka highlight ay ang raffle. Wala naman akong napapanalunan ni isa sa lahat ng Christmas party raffle sa La Salle. Badtrip. Pero lagi namang may  libreng t-shirt, hamon at kalendaryo. Eto yung kalendaryo na laging pinipintasan ni DaddyDemz dahil sa sobrang liliit daw ng numero, pero saan ka… dinidisplay pa rin nya sa may kusina namin at yon ang official kalendaryo sa buong taon.

 

Wala na ako sa La Salle, pero sana may mag regalo sa akin ng kanilang kalendaryo para sa taong 2009.

 

Bukas na ang masquerade party pero hindi ko pa rin ma feel ang excitement. Bakit kaya? Kumpleto na naman ako sa isusuot, pati ang maskara. Nakapag dress rehearsal na din naman ako, at sa tingin ko, ang ganda ko naman. Siguro kasi nasa isip ko pa din ang naka hang na deployment ko ng project. Ayokong masira ang bakasyon ko kung dumami pa ang aberya sa proyekto kong ito. Hay.

 

Bukas ko na lang kayo babalitaan tungkol sa party.

 

No comments:

Post a Comment