Ang buhay nga naman… parang pagluluto. Kailangan mo ng mga tamang sangkap at tamang proseso para maging masarap ang putahe na iyong niluluto. Pero minsan kahit gaano mo nakumpleto ang rekado, nadidisgrasya pa din ang lasa o di kaya nasusunugan ka pa. Mapapaso ka pa sa mainit na kaldero, pero kailangan mong tapusin ang pagluluto or else wala kang maihahain. Nakakapagod… kaya nga wag mong ibigay ang lahat lahat ng lakas mo, magtira ka para sa sarili mo, dahil bukas madami ka pang lulutuin…
Ang drama ko naman. Medyo napaaga kasi ang gising ko ngayon at hindi na ako makatulog ulit. Nagpapalambot ako ng baboy para sa Sinigang na Buto-Buto ng Baboy. Yan ang nasa menu plan ko kaya pinipilit kong gawin. :)
syangapala,
(jan 18) Happy anniversary, Ate Dollyn & Kuya Joel!
(jan 18) Happy anniversary, Ate Piwi & Kuya Jhoy!
(jan 19) Maligayang kaarawan, Che VillapeƱa!
(jan 23) Happy birthday, Tinay!
(jan 25) Happy birthday, Kuya Regie!
No comments:
Post a Comment