Monday, September 29, 2008

Lindol Noong Sabado

Nakahiga kami ni Jelly sa sala habang nanonod ng “Game Ka Na Ba?”. Pinakaaantay talaga namin yung show kasi yun yung episode na nagwalk-out daw si Edu Manzano sa show after na nakipagtalo si Wendy.

 

Mabalik tayo sa lindol. Sa totoo lang, may effect pa din sa akin yung lindol nung Grade 4 pa lang ako. July 16, 1990 yon. Isa ako doon sa mga umiyak na estudyante sa quadrangle ng school namin dahil ayaw tumigil ng lindol. Parang nagbalik yung mga alaala nung sabado. Pero buti na lang at saglit lang talaga yung lindol. Si Jelly natakot din kasi nakita nya na nag-panic ako. Lumabas kami ng bahay. Syempre gusto kong i-check si Daddy Demz! Madali pa man din mahilo yon. Pagkalabas namin, nasa duyan sya. Natutulog.

 

Sabi ko, “Tay! Lumindol!”. Sabi nya naman, “Huh?! Hindi naman ah. Hindi ko naramdaman.”... (Malamang, kasi nakahiga sya sa duyan sa ilalim ng punong mangga.)

Parang walang nangyari (pero ano pa nga ba ang mapapala ko kung ipipilit ko kay Tatay na lumindol nga), pumasok na kami ulit sa sala. Pagkalipas ng ilang minuto, umulit ulit si lindol. Aftershock siguro. Hindi na ako nag-panic, baka mamutla ulit si Jelly. Pero lumabas ulit kami at sinabi ko ulit kay Tatay.

 

Tay, lumindol ulit!”. Ang response… hindi nya ulit naramdaman! Siguro lalo syang nakatulog kasi para syang hinehele sa duyan. Hehehe.

 

 

 

Naconfirm ko na lumindol nga nung sabado ng pag-usapan na sa office na lumindol nga.

No comments:

Post a Comment